Home » Educational » Pang-abay na Pang-agam: Ano ang Pang-abay na Pang-agam at mga Halimbawa nito

Pang-abay na Pang-agam: Ano ang Pang-abay na Pang-agam at mga Halimbawa nito

Sa pahinang ito ay matututunan mo kung ano ang pang-abay na pang-agam. Mayroon din kaming ginawang mga halimbawa ng pang-abay na pang-agam upang maintindihan mo ng mabuti ang araling ito.

Ano ang Pang-abay na Pang-agam?

Ang pang-abay na pang-agam ay isang uri ng pang-abay na nagbabadya ng di-katiyakan o pag-aalinlangan sa tinutukoy nitong pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay ang marahil, siguro, tila, baka, wari, o parang.

Ano ang Pang-abay na Pang-agam?
  • Save

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pang-agam

Narito ang sampung halimbawa ng pang-abay na pang-agam sa pangungusap.

  1. Baka mamaya ay titigil na ang ulan.
  2. Tila mapaparami ang kain ko nito.
  3. Marahil malungkot na balita ang hatid niya.
  4. Baka bukas na mag-uumpisa ang karera ng mga kabayo.
  5. Siguro mahina kumain si Beth kaya payat.
  6. Baka bukas na ko pumunta kay lola.
  7. Siguro tataas ang grado mo kung titigilan mo na ang paglalaro ng video games.
  8. Baka sumama ako kay tiyo sa Maynila.
  9. Marahil nakita na ang nawawala niyang aso.
  10. Baka kulang siya sa tulog kaya puyat.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pang-agam
  • Save

Mga kaugnay na aralin

Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.

I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!

  • Save
Share via
Copy link