Ang ating wika ay hindi lamang simpleng koleksyon ng mga salita. Ito ay may malalim na estruktura at sistema, at ang isa sa mga pinaka-importante na elemento nito ay ang pantig. Ito’y lubhang napakahalaga upang makabuo ng mga salita at pangungusap. Sa artikulong ito, ating aalamin ang kahulugan, kayarian, at mga halimbawa nito.
Mga Nilalaman
- Ano ang Pantig?
- Mga Halimbawa ng Pantig na Salita
- Kayarian ng Pantig o Pormasyon ng Pantig
- Patinig (P)
- Katinig-Patinig (KP)
- Patinig-Katinig (PK)
- Katinig-Patinig-Katinig (KPK)
- Patinig-Katinig-Katinig (PKK)
- Katinig-Katinig-Patinig (KKP)
- Katinig-Katinig-Patinig-Katinig (KKPK)
- Katinig-Katinig-Patinig-Katinig-Katinig (KKPKK)
- Katinig-Patinig-Katinig-Katinig (KPKK)
- Katinig-Katinig-Patinig-Katinig-Katinig-Katinig (KKPKKK)
- Mga kaugnay na aralin
Ano ang Pantig?
Ang pantig o syllable sa wikang Ingles ay ang galaw ng bibig at dila na may kaakibat na tunog mula sa lalamunan, o ang tuluy-tuloy na daloy ng tinig sa pagbigkas ng isang salita. Ito ang pinakamaliit na yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig, na maaaring may kasamang katinig.
Mga Halimbawa ng Pantig na Salita
Ang mga salitang Filipino ay binubuo ng iba’t ibang bilang ng mga pantig. Ang bilang ng pantig sa isang salita ay maaaring magdulot ng iba’t ibang kahulugan at intonasyon. Narito ang ilang mga halimbawa:
Mga Salitang may Isang Pantig
- tsek
- bus
- tren
- ka
- trak
- bag
- po
- mas
- nars
- bra
Mga Salitang may Dalawang Pantig
- ba-go
- ta-o
- ka-yo
- ha-yop
- lu-pa
- ba-to
- si-ko
- o-ras
- pak-sa
- pa-yong
Mga Salitang may Tatlong Pantig
- ka-ha-pon
- ma-ya-man
- pa-ya-so
- a-ni-no
- ba-ku-law
- a-ba-ka
- ka-mo-te
- la-me-sa
- sar-di-nas
- ka-la-baw
Mga Salitang may Apat na Pantig
- ka-i-bi-gan
- nag-la-la-ro
- pi-nag-big-yan
- ka-sin-ta-han
- pa-a-ra-lan
- o-pi-si-na
- ka-lu-lu-wa
- ba-ya-ni-han
- e-le-pan-te
- mag-sa-sa-ka
Mga Salitang may Limang Pantig
- nag-ka-tu-lu-yan
- i-pag-la-la-ba
- ka-li-ga-ya-han
- pa-nan-da-li-an
- mag-ka-i-bi-gan
- pa-la-is-da-an
- nag-ba-ba-nga-yan
- mag-ka-sin-ta-han
- i-pag-ka-lo-ob
- mag-pa-pa-ka-in
Kayarian ng Pantig o Pormasyon ng Pantig
Mayroong sampung pormasyon ng pantig. Ito ay ang mga sumusunod:
Patinig (P)
- Halimbawa:
- i-tak
- a-raw
- u-lo
- i-bon
- u-sa
- a-ma
Katinig-Patinig (KP)
- Halimbawa:
- bo-la
- re-lo
- ka-pe
- ba-so
- ta-bo
- pu-go
Patinig-Katinig (PK)
- Halimbawa:
- ok-to-pus
- ak-lat
- is-da
- as-wang
- is-la
- es-tu-dyan-te
Katinig-Patinig-Katinig (KPK)
- Halimbawa:
- pis-ta
- bun-dok
- bin-ta-na
- tat-su-lok
- sin-tas
- kan-ta
Patinig-Katinig-Katinig (PKK)
- Halimbawa:
- eks-tra
- ins-tru-men-to
- eng-kwen-tro
- ang-kan
- ins-ti-tus-yon
- eks-pres-yon
Katinig-Katinig-Patinig (KKP)
- Halimbawa:
- tra-ba-ho
- pro-tes-ta
- gri-po
- blu-sa
- pru-tas
- tsi-ne-las
- plu-ma
Katinig-Katinig-Patinig-Katinig (KKPK)
- Halimbawa:
- pras-ko
- trum-po
- plas-tik
- krus
- plan-tsa
- tren
- pres-ko
Katinig-Katinig-Patinig-Katinig-Katinig (KKPKK)
- Halimbawa:
- bleyd
- tsart
- klerk
- trans-por-tas-yon
Katinig-Patinig-Katinig-Katinig (KPKK)
- Halimbawa:
- tang-ke
- re-port
- bang-ko
- tung-ku-lin
- kard
- nars
- keyk
Katinig-Katinig-Patinig-Katinig-Katinig-Katinig (KKPKKK)
- Halimbawa:
- shorts
Ang pagkaunawa sa pantig ay isang mahalagang hakbang patungo sa mas epektibong komunikasyon. Sa pamamagitan nito, nabubuo ang mga salita na ginagamit natin sa pang-araw-araw na talastasan. Umaasa kami na nawa, sa pamamagitan ng artikulong ito, ay mas lalong naiintindihan mo ang kahalagahan ng pantig sa wika at panitikan.
Inaanyayahan ka namin na ibahagi ang artikulong ito sa iyong mga kaibigan at kaklase upang sila rin ay matuto sa araling ito. Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.
Mga kaugnay na aralin
Alpabetong Filipino: Ang Kabuuang Gabay sa mga Letra ng ating Wika
TAYUTAY: Halimbawa ng Tayutay, mga Uri ng Tayutay, Atbp.
PANGUNGUSAP: Mga Halimbawa, Bahagi, Kayarian, Ayos, Uri, Atbp.
SIMUNO AT PANAGURI: Kahulugan at Mga Halimbawa sa Pangungusap
TALATA: Ano ang Talata, Paano Gumawa, at mga Halimbawa
PANGNGALAN: Kasarian ng Pangngalan, Kailanan, Gamit, Uri, Atbp.
PANDIWA: Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.
PANGHALIP: Uri ng Panghalip, Halimbawa ng Panghalip, Gamit, Atbp.
PANGATNIG: Ano ang Pangatnig, Halimbawa ng Pangatnig, Uri, Atbp.