Sa pahinang ito ay matututunan mo kung ano ang pang-abay na panlunan at mga halimbawa nito. Gumawa rin kami ng pang-abay na panlunan worksheet upang mas lalong malinang ang iyong kaalaman sa araling ito.
Ano ang Pang-abay na Panlunan?
Ang pang-abay na panlunan na tinatawag ding adverb of place sa wikang Ingles, ay isang uri ng pang-abay na tumutukoy sa pook o lugar kung saan ginanap o ginaganap ang kilos ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na saan.
Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay ang mga salitang sa, kina, o kay.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panlunan
Ito ang sampung halimbawa ng pang-abay na panlunan sa pangungusap.
- Gaganapin ang aking kaarawan sa aming bahay.
- Pupunta kami kina Rosa bukas ng umaga.
- Tuwing Disyembre ay umuuwi kami sa Bicol.
- Gumawa kami ng parol kina Benjie.
- Magtatanim ako ng halaman sa aming bakuran.
- Kukunin ko ang panindang gulay sa palengke.
- Sa plaza magsisimula ang parada mamayang hapon.
- Natulog ang baka sa ilalim ng puno.
- Sa sala naglalaro sina Gab at Miguel.
- Si Shiela ay nagsimba sa Quiapo noong isang Linggo.
Pang-abay na Panlunan Worksheet
Narito ang libreng worksheet para masanay ang iyong kaalaman sa araling ito. Click this link to download the worksheet.
Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.
I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
Ano ang Pang-abay na Kusatibo at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Pananggi at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Panang-ayon at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Ingklitik at mga Halimbawa nito