Matutunan mo sa pahinang ito kung ano ang pang-abay na panulad. Gumawa rin kami ng sampung halimbawa ng pang-abay na panulad upang mas madali mong maintindihan kung paano ito ginagamit sa pangungusap.
Ano ang Pang-abay na Panulad?
Ang pang-abay na panulad na tinatawag na comparative adverb sa wikang Ingles ay isang uri ng pang-abay na ginagamit sa paghahambing ng iba’t ibang katangian o paghahalintulad sa dalawang bagay o tao sa pangungusap.
Ito ay ginagamitan ng mga salitang kaysa, higit, di hamak, di gaya, labis, di gaano, at lalong-lalo.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panulad
Ito ang ilan sa mga halimbawa ng pang-abay na panulad sa pangungusap.
- Mas mahusay sumayaw si Sarah kaysa kay Regine.
- Di gaanong maganda ang nabili kong paso.
- Higit na marami ang nabenta ko ngayon.
- Labis ang iniyak ni Tonyo sa pagkawala ni Tanya.
- Maingay si Mila lalong-lalo na pag kasama si Lita.
- Mayaman na si Mang Andres ngayon di hamak noon.
- Higit na maganda si Petra sa magkakapatid.
- Mas malaki ang bahay ni Nilo kaysa kay Nonoy.
- Di gaanong maganda ang pakiramdam ko ngayon.
- Higit na marami ang pera ko sa’yo.
Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.
I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
Ano ang Pang-abay na Kusatibo at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Pananggi at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Panang-ayon at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Ingklitik at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Panlunan at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Panggaano at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Pamaraan at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Pamanahon at mga Halimbawa nito