PANGNGALAN: Kasarian ng Pangngalan, Kailanan, Gamit, Uri, Atbp.

Ang pahinang ito ay naglalaman ng iba’t ibang kaalaman tungkol sa pangngalan. Magkakaroon ka ng pag-unawa tungkol sa kahulugan ng pangngalan, gayundin ang kasarian, kailanan, gamit, uri, kayarian, at kaukulan nito. Bukod pa riyan, tatalakayin din natin ang tungkol sa konkreto at di-konkretong pangngalan. Gumawa rin kami ng iba’t ibang mga halimbawa upang mas maunawaan mong mabuti ang araling ito.

Mga Nilalaman

Ano ang Pangngalan?

Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng taohayopbagaylugar, o pangyayari. Kilala rin ito sa tawag na noun sa wikang Ingles.

Kasarian ng Pangngalan

Ang pangngalan ay may apat na kasarian: ang panlalakipambabaedi-tiyak, at walang kasarian.

Apat na Kasarian ng Pangngalan

1. Panlalaki

Ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng lalaki.

Mga Halimbawa:

  • Bernard
  • Simon
  • tatay
  • kuya
  • ninong

2. Pambabae

Ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng babae.

Mga Halimbawa:

  • Alicia
  • Betty
  • nanay
  • tita
  • binibini

3. Di-tiyak

Ito ay maaaring tumutukoy sa ngalang pambabae or panlalaki.

Mga Halimbawa:

  • bata
  • pinsan
  • kalaro
  • pulis
  • mananahi

4. Walang Kasarian

Ito ay tumutukoy sa mga pangngalan na walang buhay at walang kasarian pati na rin ang mga bagay sa kapaligiran na may buhay ngunit walang kasarian.

Mga Halimbawa:

  • puno
  • aso
  • baso
  • lapis
  • aklat

SEE MORE: Kasarian ng Pangngalan at mga Halimbawa nito

Kailanan ng Pangngalan

May tatlong kailanan ng pangngalan: ang isahandalawahan, at maramihan.

Tatlong Kailanan ng Pangngalan

1. Isahan

Ito ay tumutukoy sa pangngalang likas na nag-iisa lamang ang bilang. Maaaring gamitin ang mga panandang sikayniangngsa, at isa upang mabilis na matukoy kung isahan ang isang pangngalan.

Mga Halimbawa:

  • Si Camille ay maganda.
  • Kumain ng tinapay ang bata.
  • Maganda ang panahon.

2. Dalawahan

Ito ay tumutukoy sa pangngalan na may dalawang bilang. Maaari itong gamitan ng mga pantukoy na sinaninakina kasama ang dalawang tiyak na pangngalan, pamilang na dalawa, salitang pares at kambal, at pang-ukol na mag-.

Mga Halimbawa:

  • Ang kambal ay magka-mukha.
  • Sina Nadine at James ay dating magkasintahan.
  • Bibisita kami kina Beth at Romeo bukas.

3. Maramihan

Ito ay tumutukoy sa pangkalahatan o mahigit sa dalawang bilang ng ngalan.

Maaaring gamitin ang mga pantukoy at panandang ang mgamgakinasinaninakayotayosila kasama ang mahigit sa dalawang tiyak na pangngalan, pang-ukol na ng mga, panlaping mag+unang pantig ng pangngalang isahan (halimbawa: magkakapatid, magkakapitbahay), mga pang-uring maramiiba-ibasari-sari, at iba pang mga pamilang na higit sa dalawa tulad ng tatloapat-apat, at marami pang iba.

Mga Halimbawa:

  • Sina Mark, Luke, at John ay mahusay sa Math.
  • Ang magpipinsan ay naglalaro.
  • Mayroon akong tatlong libro.

SEE MORE: Kailanan ng Pangngalan at mga Halimbawa nito

Konkreto at Di-Konkretong Pangngalan

Ngayon naman ay talakayin natin ang konkreto at di-konkretong pangngalan.

Konkretong Pangngalan

Ito ay tumutukoy sa mga pangngalang materyal o mga bagay na maaring makita o mahawakan gamit ang ating limang pandama o five senses (paningin, pang amoy, pandinig, panlasa, at pansalat). Tinatawag din itong concrete noun sa wikang Ingles.

Konkretong Pangngalan

Mga Halimbawa:

  • sabon
  • mangga
  • pitaka
  • ulam
  • damit

Di-Konkretong Pangngalan

Ito ay tumutukoy sa mga bagay na hindi pwdeng mahawakan. Ito ay maaaring kondisyon, kalagayan, iyong nadarama, naiisip, at nauunawaan. Sa wikang Ingles, ito ay kilala rin sa tawag na abstract noun.

Di Konkretong Pangngalan

Mga Halimbawa:

  • pag-aalala
  • magalang
  • kasungitan
  • katipiran
  • pag-ibig

SEE MORE: Konkreto at Di-Konkretong Pangngalan + mga Halimbawa

Gamit ng Pangngalan

May anim na gamit ang pangngalan. Ito ay ang simunopantawagpamunokaganapang pansimunolayon ng pandiwa, at layon ng pang-ukol.

Anim na Gamit ng Pangngalan

1. Simuno

Ito ang pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap.

Mga Halimbawa:

  • Ang pusa ay mataba.
  • Si Perly ay pupunta sa bukid.
  • Ang lalaki ay naglalakad.

2. Pantawag

Ito ang pangngalang tinatawag o sinasambit sa pangungusap.

Mga Halimbawa:

  • Ate, sasabay ka sa amin?
  • Saan ka galing, Roger?
  • Mang Badong, pahingi po ng pako.

3. Pamuno

Ang simuno at ang isa pang pangngalang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang.

Mga Halimbawa:

  • Si Pia ang batang masayahin.
  • Ang kapatid kong si Dina ay masunurin.
  • Si Missy, ang aking kaibigan, ay mahilig sa kendi.

4. Kaganapang Pansimuno

Ang pangngalang ito at ang simuno ay tumutukoy sa iisang taobagayhayop, o lugar lamang. Lagi itong sumusunod sa panandang ay. Nasa unahan naman ito inilalagay kung walang panandang ay sa pangungusap.

Mga Halimbawa:

  • Ang Vans ay matibay na sapatos.
  • Si Bb. Rosales ay gurong matulungin.
  • Ang Magnum ay sorbetes na masarap.

5. Layon ng Pandiwa (Tuwirang Layon)

Ang pangngalan ang tumatanggap ng kilos sa pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na ano.

Mga Halimbawa:

  • Naghugas ng pinagkainan si Mia.
  • Kumain ng cake ang mga mag-aaral.
  • Naghahanap ng trabaho si kuya.

6. Layon ng Pang-ukol

Ito ang pangngalang pinaglalaanan ng kilos o bagay. Maaaring gamitin ang mga pang-ukol na sangpara sapara kaytungkol sa at marami pang iba.

Mga Halimbawa:

  • Tungkol sa pabahay ang pulong kanina.
  • Ang mga salapi ay para kay Jacob.
  • Para sa lola ang bestidang ito.

SEE MORE: Anim na Gamit ng Pangngalan at mga Halimbawa nito

Uri ng Pangngalan

May dalawang uri ng pangngalan: ang pangngalang pantangi at pangngalang pambalana.

Dalawang Uri ng Pangngalan

1. Pantangi

Ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pook, o pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik o letra.

Mga Halimbawa:

  • Si Arman ay mahilig kumanta.
  • Pupunta kami sa Manila Zoo bukas.
  • Sa Adidas kami bibili ng sapatos.

2. Pambalana

Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook, hayop, bagay, pangyayari, at iba pa. Ito ay karaniwang nagsisimula sa maliit na titik o letra.

Mga Halimbawa:

  • Uuwi kami sa probinsya.
  • Sa simbahan na tayo magkita.
  • Malawak ang aming paaralan.

SEE MORE: Uri ng Pangngalan: Pangngalang Pantangi, Pambalana at mga Halimbawa

Kayarian ng Pangngalan

Mayroong apat na kayarian ang panbngalan. Ito ay ang payakmaylapiinuulit, at tambalan.

Apat na Kayarian ng Pangngalan

1. Payak

Ito ang mga pangngalang binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi rin inuulit, at wala itong katambal na ibang salita.

Mga Halimbawa:

  • sando
  • rosas
  • pusa
  • puto
  • piso

2. Maylapi

Ito ang mga pangngalang binubuo ng salitang ugat (root word) at panlapi (affixes). Ang panlapi ay maaring nasa unahan (unlapi), nasa gitna (gitlapi), nasa hulihan (hulapi) o kabilaan.

Mga Halimbawa ng Unlapi

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng salitang maylapi na nasa unahan.

  • mahusay
  • pagpalo
  • magkalat
  • pahiram
  • umibig

Mga Halimbawa ng Gitlapi

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng salitang may lapi na nasa gitna.

  • dinakila
  • binasa
  • sinamba
  • tumahol
  • lumangoy

Mga Halimbawa ng Hulapi

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng salitang maylapi na nasa hulihan.

  • labahin
  • lutuan
  • arawan
  • manggahan
  • bilihan

Mga Halimbawa ng Kabilaang Panlapi

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng salitang maylapi na kabilaan.

  • kasipagan
  • pag-isipan
  • kalakasan
  • paaralan
  • kaiksian

3. Inuulit

Ito ang mga salitang inuulit ang kabuuan o bahagi nito. May dalawang uri ng pag-uulit: ang pag-uulit na ganap at pag-uulit na parsyal.

A. Pag-uulit na Ganap

Inuulit ang buong salita.

Mga Halimbawa:
  • sabi-sabi
  • tira-tira
  • tipon-tipon
  • gabi-gabi
  • haka-haka

B. Pag-uulit na Parsyal

Maaaring isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit.

Mga Halimbawa:
  • aalis
  • uuwi
  • bali-balita
  • kasa-kasama
  • bali-baligtad

4. Tambalan

Binubuo ito ng dalawang magkaibang salita na pinagsama para makabuo ng isang salita lamang.

Mga Halimbawa:

  • bahaghari
  • kisapmata
  • lakas-loob
  • luwalhati 
  • takipsilim

SEE MORE: Kayarian ng Pangngalan at mga Halimbawa nito

Kaukulan ng Pangngalan

Mayroong tatlong kaukulan ang pangngalan. Ito ay ang palagyopaayon, at paari.

Tatlong Kaukulan ng Pangngalan

1. Palagyo

Kung ang pangngalan ay ginagamit bilang:

A. Simuno

Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap.

Mga Halimbawa:
  • Si Tricia ay mabait.
  • Ang puno ay mababa.
  • Naglaro ng piko si Karen.

B. Pantawag

Ito ang pangngalang tinatawag o sinasambit sa pangungusap.

Mga Halimbawa:
  • Bumili ka ng ulam natin, anak.
  • Albert, ikaw ang pag-asa namin.
  • Jobert, saan ka pupunta?

C. Kaganapang Pansimuno

Ang simuno at isa pang pangngalan sa panaguri ay iisa.

Mga Halimbawa:
  • Si Bb. Tolentino ay guro namin sa Filipino 3.
  • Ang manggagawang si Joros ay masipag.
  • Si Regine na mang-aawit ay pupuntang America.

D. Pangngalang Pamuno

Ito ang pangngalang tumutukoy sa simuno at nagbibigay ng paliwanag tungkol sa paksa.

Mga Halimbawa:
  • Si Manny Pacquiao na boksingero ay matulungin.
  • Ang aking kapatid na si Rudy ay nasa Dubai.
  • Si Liam, ang kaibigan ko, ay tapat at maaasahan.

2. Palayon

Kung ang pang pangngalan ay ginagamit bilang:

A. Layon ng Pandiwa

Ito ang pangngalang taga-tanggap ng kilos.

Mga Halimbawa:
  • Ang bata ay binigyan ng regalo.
  • Si Ryza ay kumain ng mais.
  • Ang nanay ay nagluto ng lugaw.

B. Layon ng Pang-ukol

Ito ang pangngalang pinaglalaanan ng kilos at kasunod ng pang-ukol.

Mga Halimbawa:
  • Ang tinapay ay kinain ni Tina.
  • Nagdala ng pasalubong si tatay para kay Ara.
  • Ang pusa ang kumuha ng ulam.

3. Paari

Kung may dalawang pangngalang magkasunod, ang pangalawang pangngalan ay nagsasaad ng pagmamay-ari.

Mga Halimbawa:
  • Ang bola ni Bitoy ay nasira.
  • Nabali ang lagari ni James.
  • Ang ulam ni nanay ay sinigang.

SEE MORE: Kaukulan ng Pangngalan at mga Halimbawa nito

At dito na nagtatapos ang ating pag-aaral sa mga bahagi ng pangnala at kung paano ito ginagamit. Sana ay may natutunan ka sa araling ito.

Maaari mo ring ibahagi ang post na ito sa iyong mga social media accounts. I-click lang ang share button na makikita sa screen. Maraming salamat!

Mga kaugnay na aralin

PANG-URI: Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.

PANDIWA: Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.

PANG-ABAY: Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.

PANGHALIP: Uri ng Panghalip, Halimbawa ng Panghalip, Gamit, Atbp.

PANGATNIG: Ano ang Pangatnig, Halimbawa ng Pangatnig, Uri, Atbp.

Share this: