Sa pahinang ito, pag-aaralan natin kung ano ang konkreto at di-konkretong pangngalan. Gumawa din kami ng ilang mga halimbawa upang mas maunawaan mo ang paksang ito.
Ngunit bago ang lahat, talakayin muna natin kung ano ang kahulugan ng pangngalan.
Ano ang Pangngalan?
Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, lugar, o pangyayari. Kilala rin ito sa tawag na noun sa wikang Ingles.
Ngayon naman ay dumako na tayo sa konkreto at di-konkretong pangngalan.
Konkretong Pangngalan
Ang konkretong pangngalan o concrete noun ay tumutukoy sa mga pangngalang materyal o mga bagay na maaring makita o mahawakan gamit ang ating limang pandama o five senses (paningin, pang amoy, pandinig, panlasa, at pansalat).
Mga Halimbawa ng Konkretong Pangngalan
Narito ang tatlumpu (30) halimbawa ng konkretong pangngalan.
- ate
- bulaklak
- bus
- dyaryo
- gatas
- guro
- halaman
- kama
- kapaligiran
- kapatid
- kotse
- kuya
- lalawigan
- lugar
- luha
- manok
- mesa
- nanay
- pambura
- pagkain
- palengke
- panyo
- pari
- puno
- radyo
- salamin
- sapatos
- tatay
- unan
- upuan
Di-Konkretong Pangngalan
Ang di-konkretong pangngalan o abstract noun ay tumutukoy sa mga bagay na hindi pwdeng mahawakan. Ito ay maaaring kondisyon, kalagayan, iyong nadarama, naiisip, at nauunawaan.
Mga Halimbawa ng Di-Konkretong Pangngalan
Narito ang dalawampu’t lima (25) halimbawa ng di-konkretong pangngalan.
- pagmamahal
- gutom
- kapayapaan
- pagkagulat
- pagkasabik
- kalungkutan
- kasiyahan
- pagkakaisa
- pagka-galit
- panaginip
- himala
- kaunlaran
- kabayanihan
- paniniwala
- kahirapan
- paggalang
- katahimikan
- pag-aalala
- magalang
- kasungitan
- katipiran
- pag-ibig
- kalusugan
- katalinuhan
- kabutihan
At ‘yan ang konkreto at di-konkretong pangngalan pati na rin ang kani-kanilang mga halimbawa. Kung nakatulong sa iyo ang araling ito, mangyaring ibahagi din sa iba upang sila din ay matuto.
Para ibahagi sa iyong social media accounts. I-click lamang ang mga share button na makikita sa screen. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
Uri ng Pangngalan: Pangngalang Pantangi, Pambalana at mga Halimbawa
Kasarian ng Pangngalan at mga Halimbawa nito
Kailanan ng Pangngalan at mga Halimbawa nito
PANG-URI: Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.
PANDIWA: Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.
PANG-ABAY: Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
PANGHALIP: Uri ng Panghalip, Halimbawa ng Panghalip, Gamit, Atbp.
PANGATNIG: Ano ang Pangatnig, Halimbawa ng Pangatnig, Uri, Atbp.