Ibong Adarna Kabanata 22 – Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Tatalakayin natin sa post na ito ang maikling buod ng Ibong Adarna Kabanata 22: Ang Panibagong Panlilinlang. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral at mahahalagang kaisipan na mapupulot mo rito.

Buod ng Ibong Adarna Kabanata 22: Ang Panibagong Panlilinlang

Nag-umpisa ang istorya nang maiwanan ni Donya Leonora ang kanyang dyamanteng singsing na minana sa kanyang ina at tanging ang alagang lobo lamang ang kanyang nadala.

Hindi man sumang-ayon ang prinsesa, binalikan ni Don Juan ang singsing. Habang bumababa ng balon ang prinsipe, biglang pinutol ni Don Pedro ang pisi kung kaya’t nahulog ito.

Hinimatay ang prinsesa dahil sa kataksilan ni Don Pedro at nang magbalik ang kanyang kamalayan, siya’y naroon na sa mga bisig ng taksil, na nangako na gagawin siyang reyna ng Berbanya. Hindi nagdalawang isip si Donya Leonora na palayain ang kanyang lobong engkantada at utusang iligtas si Don Juan, ang kanyang tunay na minamahal.

Nagbalik sa kaharian sina Don Pedro at Don Diego kasama ang dalawang prinsesa, at sinabi nila na hindi nila natagpuan si Don Juan pero nakaligtas sila sa mga higante at serpyente at nailigtas ang dalawang prinsesa. Pinag-utos ng hari na agad na ikasal ang apat, subalit tumutol si Prinsesa Leonora at humiling na ipagpaliban ito ng pitong taon dahil mayroon siyang panata.

Pumayag ang hari na unahin muna ang kasal nina Don Diego at Donya Juana, at nagdiwang ang buong kaharian sa loob ng siyam na araw.

See also: Ibong Adarna Buod ng Bawat Kabanata 1-46 with Talasalitaan

Mga Mahahalagang Pangyayari

  1. Naiwan ni Donya Leonora ang kanyang dyamanteng singsing, habang ang tanging nadala lamang niya ay ang kanyang alagang lobo.
  2. Binalikan ni Don Juan ang singsing sa kabila ng pagtutol ni Donya Leonora. Habang bumababa siya ng balon, pinutol ni Don Pedro ang pisi, dahilan upang mahulog si Don Juan.
  3. Hinimatay si Donya Leonora dahil sa kataksilan ni Don Pedro. Nang magising siya, siya’y nasa bisig na ni Don Pedro, na nangakong gagawin siyang reyna ng Berbanya.
  4. Pinalaya ni Donya Leonora ang kanyang lobong engkantada at inutusan itong iligtas si Don Juan, na kanyang tunay na minamahal.
  5. Nagbalik sina Don Pedro at Don Diego kasama ang dalawang prinsesa. Sinabi nila sa hari na hindi nila natagpuan si Don Juan ngunit nailigtas ang mga prinsesa. Ipinag-utos ng hari ang kasal, ngunit humiling si Prinsesa Leonora ng pitong taon dahil may panata pasiyang dapat tapusin.

Mga Tauhan sa Ibong Adarna Kabanata 22

  • Donya Leonora – Ang prinsesa na naiwan ang kanyang dyamanteng singsing at tunay na nagmamahal kay Don Juan.
  • Don Juan – Ang prinsipe na bumaba ng balon upang makuha ang singsing ni Donya Leonora ngunit pinagtaksilan ni Don Pedro.
  • Don Pedro – Ang taksil na prinsipe na pumutol sa pisi at naghangad na pakasalan si Donya Leonora at gawin siyang reyna.
  • Don Diego – Kapatid ni Don Pedro na kasama sa pagbabalik ng mga prinsesa.
  • Donya Juana – Isa sa mga prinsesang nailigtas ni Don Juan na kalaunan ay napangasawa ni Don Diego.
  • Hari ng Berbanya – Ang hari na nag-utos ng kasal sa mga prinsipe at prinsesa.
  • Lobong Engkantada – Alaga ni Donya Leonora na inutusan niyang iligtas si Don Juan.

See also: Ibong Adarna Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Tagpuan

Ang mga tagpuan sa kabanatang ito ay sa balon kung saan naganap ang panibagong kataksilan ni Don Pedro at sa kaharian ng Berbanya kung saan inuwi nina Don Diego at Don Pedro ang dalawang prinsesa.

Talasalitaan

  • Palamara – Taksil.
  • Panunuyo – Pagsuyo o panliligaw.
  • Tangan-tangan – Hawak-hawak.
  • Tinampal – Sinampal o pinalo sa mukha.
  • Yungib – Kuweba o lungga.
  • Panibugho – Selos o inggit.

Mga Aral at Mensahe sa Ibong Adarna Kabanata 22

  1. Ang katapatan at tunay na pagmamahal ay laging nanaig sa mga pagsubok, gaya ng ipinakita ni Donya Leonora kay Don Juan.
  2. Ang tunay na pagmamahal ay handang magsakripisyo kahit sa harap ng panganib.
  3. Ang pagiging matapat at matapang ay nagdadala ng tagumpay sa gitna ng mga pagsubok.
  4. Mahalaga ang pagbibigay ng panahon at panata upang masigurong tama ang desisyon, tulad ng kahilingan ni Donya Leonora na ipagpaliban ang kasal.

See also: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

At dito nagtatapos ang Ibong Adarna Kabanata 22 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa kabanatang ito ng korido.

Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Mga kaugnay na aralin

Ibong Adarna Kabanata 27 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Ibong Adarna Kabanata 26 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Ibong Adarna Kabanata 25 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Ibong Adarna Kabanata 24 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Ibong Adarna Kabanata 23 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Ibong Adarna Kabanata 21 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Ibong Adarna Kabanata 20 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Ibong Adarna Kabanata 19 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Ibong Adarna Kabanata 18 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Ibong Adarna Kabanata 17 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Share this: 

Leave a Comment