Tatalakayin natin sa post na ito ang maikling buod ng Ibong Adarna Kabanata 24: Ang Muling Pagkikita ng Ibong Adarna at ni Don Juan. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral at mahahalagang kaisipan na mapupulot mo rito.
Mga Nilalaman
Buod ng Ibong Adarna Kabanata 24: Ang Muling Pagkikita ng Ibong Adarna at ni Don Juan
Nagising si Don Juan sa magandang awit ng Ibong Adarna. Sa kanyang pagkagising, natuwa siya nang matuklasan na ang mahiwagang ibon ay naroon na muli at nakaupo sa isang sanga.
Sa pamamagitan ng kanyang awit, ipinahayag ng Ibong Adarna kay Don Juan na nagpasya itong lumisan upang mailigtas ang prinsipe mula sa isang masamang balak. Nagplano sina Don Pedro at Don Diego, na patayin ang Ibong Adarna at si Don Juan. Sa pakiusap ng ibon, inutusan niya si Don Juan na pumunta sa malayong reyno na napakagandang kaharian na makikita sa dakong silangan.
Sa nasabing lugar, matatagpuan ni Don Juan ang tatlong magkakapatid na prinsesa – sina Isabel, Juana, at Maria Blanca. Ang kanilang ama ay si Haring Salermo, isang hari na kilala sa kanyang talino at pagiging tuso. Pinayuhan siya ng ibon na piliin si Maria Blanca dahil sa kanyang walang katulad na kagandahan.
Tumugon si Don Juan sa utos ng ibon at agad na naglakbay patungo sa Reyno delos Cristales. Samantala, sa pa;asyo ng Berbanya ay patuloy na tumatangis at at nag-aalala si Donya Leonora dahil sa pangamba na baka hindi mailigtas ng lobo ang kanyang minamahal na si Don Juan.
See also: Ibong Adarna Buod ng Bawat Kabanata 1-46 with Talasalitaan
Mga Mahahalagang Pangyayari
- Nagising si Don Juan sa magandang awit ng Ibong Adarna na nagbigay babala sa kanya.
- Ipinahayag ng Ibong Adarna na kaya siya umalis ay dahil may masamang balak sina Don Pedro at Don Diego na patayin silang dalawa ni Don Juan.
- Pinayuhan ng Ibong Adarna si Don Juan na maglakbay patungo sa Reyno delos Cristales sa silangan.
- Sinabi ng ibon na sa nasabing lugar ay matatagpuan ni Don Juan ang tatlong prinsesa, at pinayuhan siyang piliin si Maria Blanca.
- Samantala, si Donya Leonora ay patuloy na tumatangis at nag-aalala para kay Don Juan habang umaasa sa lobo na mailigtas ito.
Mga Tauhan sa Ibong Adarna Kabanata 24
- Don Juan – Ang pangunahing tauhan na nagising mula sa kanyang pagkakahimbing at sinunod ang payo ng Ibong Adarna.
- Ibong Adarna – Ang mahiwagang ibon na nagbigay babala kay Don Juan at nagbigay payo na pumunta sa Reyno delos Cristales.
- Don Pedro at Don Diego – Mga kapatid ni Don Juan na may masamang balak laban sa kanya.
- Donya Leonora – Ang minamahal ni Don Juan na nag-aalala para sa kanya.
- Maria Blanca – Prinsesa mula sa Reyno delos Cristales na pinayuhang piliin ni Don Juan.
- Haring Salermo – Ang tusong hari ng Reyno delos Cristales, ama ng tatlong prinsesa.
See also: Ibong Adarna Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa
Tagpuan
Ang mga tagpuan sa kwento ay sa ilalim ng isang punongkahoy na mayabong kung saan naganap ang muling pagkikita at pag-uusap ni Don Juan at ng Ibong Adarna.
Talasalitaan
- Balisa – Nababahala o nag-aalala.
- Dumatal – Dumating o sumapit.
- Hinunos – Nagbago, nag-alis, nagbalat.
- Karbungko – Isang uri ng hiyas na pulang-pula ang kulay.
- Manalig – Magtiwala o maniwala.
- Pagkagulaylay – Pagkawala ng lakas o sigla.
- Suson – Patong-patong o sunod-sunod.
- Tantuin – Alamin.
- Tumatangis – Umiiyak.
Mga Aral at Mensahe sa Ibong Adarna Kabanata 24
- Maging maingat sa pagtitiwala sapagkat ang mga taong malapit sa atin ay maaaring magkaroon ng masamang balak, gaya ng ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.
- Ang pagiging mapagpakumbaba at pagtanggap sa payo ng mga nakakaalam ng higit ay maaaring magdulot ng kaligtasan at tagumpay, tulad ng pagsunod ni Don Juan sa Ibong Adarna.
- Ang tunay na pagmamahal ay nagdadala ng labis na pag-aalala at sakripisyo, gaya ng ipinakita ni Donya Leonora na patuloy na nag-alala para kay Don Juan.
See also: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
At dito nagtatapos ang Ibong Adarna Kabanata 24 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa kabanatang ito ng korido.
Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.
Mga kaugnay na aralin
Ibong Adarna Kabanata 29 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 28 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 27 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 26 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 25 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 23 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 22 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 21 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.