Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng Ibong Adarna Kabanata 29: Ang Reyno Delos Cristales. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral at mahahalagang kaisipan na mapupulot mo rito.
Mga Nilalaman
Buod ng Ibong Adarna Kabanata 29: Ang Reyno Delos Cristales
Matapos ang isang buwang mahabang paglalakbay, sila ay dumating sa destinasyon at natuklasan ang lugar kung saan naliligo si Maria Blanca at ang kaniyang mga kapatid. Bumaba na si Don Juan at sinabi ng agila na tuwing alas-kwatro ng madaling araw naliligo ang mga prinsesa. May kanya-kanyang palikuran ang mga prinsesa at agad niyang malalaman kung sino sa kanila si Maria Blanca dahil ito ang pinakamaganda. Binilinan din niya na magkubli si Don Juan sa likuran ng isang halamanan at hintayin ang pagdapo ng tatlong kalapati sa puno ng peras.
Tulad ng inaasahan, sa ganap na alas-kwatro ng madaling araw, dumapo ang tatlong kalapati sa puno. Ito’y naging tatlong magagandang dalaga at nagpatuloy sa kanilang paliligo. Sa pagkakataong ito, natuklasan ni Don Juan ang natatanging ganda ni Maria Blanca na agad namang nagpatibok ng kaniyang puso.
Kinuha ni Don Juan ng mga damit ni Maria Blanca habang ito’y naliligo at kanyang pinaghahalikan. Nang malaman ng prinsesa na nawawala ang kanyang damit, nagbanta siyang papatayin ang sino mang gumawa nito sa kanya.
See also: Ibong Adarna Buod ng Bawat Kabanata 1-46 with Talasalitaan
Mga Mahahalagang Pangyayari
- Matapos ang isang buwang paglalakbay, si Don Juan ay dumating sa lugar kung saan naliligo si Maria Blanca at ang kaniyang mga kapatid, na itinuro ng agila.
- Sinabi ng agila kay Don Juan na tuwing alas-kwatro ng madaling araw naliligo ang mga prinsesa, at si Maria Blanca ang pinakamaganda sa kanila.
- Sinunod ni Don Juan ang payo ng agila na magkubli sa likod ng halamanan at hintayin ang tatlong kalapati na dumapo sa puno ng peras.
- Naging tatlong magagandang dalaga ang mga kalapati at nagsimulang maligo; dito natuklasan ni Don Juan ang ganda ni Maria Blanca.
- Kinuha ni Don Juan ang damit ni Maria Blanca habang naliligo ito, na naging sanhi ng kanyang galit at banta na papatayin ang sinumang nagnakaw ng kanyang damit.
Mga Tauhan sa Ibong Adarna Kabanata 29
- Don Juan – Ang pangunahing tauhan na naglakbay at umibig kay Maria Blanca.
- Maria Blanca – Ang prinsesa na natatangi ang ganda at siyang umakit sa puso ni Don Juan.
- Mga Kapatid ni Maria Blanca – Kasama ni Maria Blanca sa paliligo, ngunit hindi gaanong tinutukan ng kwento.
- Higanteng Agila – Ang gabay ni Don Juan na nagturo ng tamang oras at paraan upang matagpuan si Maria Blanca.
See also: Ibong Adarna Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa
Tagpuan
Ang tagpuan ng kabanata ay sa palikuran kung saan naliligo si Prinsesa Maria Blanca.
Talasalitaan
- Dawag – Mga ligaw na halaman na matitinik.
- Dili-dili – Pag-iisip o pagbubulay-bulay.
- Hinahawi – Pagtatanggal o pag-aalis ng balakid, gaya ng mga halaman o bagay na nakaharang.
- Kaaya-aya – Kasiya-siya, kaakit-akit, o maganda.
- Kariktan – Kagandahan.
- Kublihan – Taguan o silungan.
- Mangubli – Magtago o sumilong.
Mga Aral at Mensahe sa Ibong Adarna Kabanata 29
- Ang pagmamahal ay kadalasang nagsisimula sa paghanga sa pisikal na kagandahan, ngunit mahalaga rin ang katapatan at kababaang-loob sa tunay na pag-ibig.
- Ang pagsunod sa tamang gabay at payo ng mga nakaaalam ay mahalaga upang makamit ang layunin, gaya ng ginawa ni Don Juan sa payo ng agila.
See also: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
At ‘yan ang Ibong Adarna Kabanata 29 Buod, mga Tauhan, at Aral. Kung naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito, ibahagi mo ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila din ay matuto sa bahaging ito ng korido.
Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.
Mga kaugnay na aralin
Ibong Adarna Kabanata 34 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 33 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 32 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 31 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 30 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 28 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 27 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 26 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.