Tatalakayin natin sa post na ito ang maikling buod ng Ibong Adarna Kabanata 34: Ang Paggawa ng Kastilyo. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral at mahahalagang kaisipan na mapupulot mo rito.
Mga Nilalaman
Buod ng Ibong Adarna Kabanata 34: Ang Paggawa ng Kastilyo
Inatasan ng hari si Don Juan na takpan ang bundok sa gitna ng dagat at itayo rito ang isang kastilyo. Hiniling ng hari na lagyan ng gulod na may pitong hanay at may kanyong pananggol ang magiging kaharian, may anim na batirya at bawat isa ay may kawal na nakasuot pandigma. Kailangan din na may lansangang lalakaran mula sa palasyo real patungo sa kastilyo. Binigyan din niya si Don Juan ng mga kailangang gamit katulad ng palataw, bareta, piko, kalaykay, maso, at kutsara. Sa hamong ito, susukatin ng hari ang talino at kakayahan ni Don Juan.
Sa ika-walo ng gabi ay nagkita sina Don Juan at Maria Blanca. Sa halip na mag-alala ay muling inalok ni Maria Blanca na siya na lamang ang tatapos sa utos ng hari para kay Don Juan at pinagpahinga na ito. Walang pag-aatubili, sinimulan ni Maria Blanca ang kaniyang gawain at pinalipat niya ang bundok, at naging kastilyo ito sa gitna ng karagatan.
Nagising sa ingay ng malalakas na paputok si Haring Salermo. Naglakad siya sa lansangan patungo sa kastilyo ngunit ayaw siyang papasukin ng mga sundalo. Nang dumating si Don Juan ay nagpugay ang mga sundalo. Iniutos ng hari sa prinsipe na ipatigil ang putukan.
Sa ika-lima ng hapon ay ipinasundo ng hari si Don Juan upang sabihin na alisin ang kastilyo ang ibalik sa dati ang lahat. Sa tulong ng kapangyarihan ni Maria Blanca, nawala ang kastilyo at bumalik ang bundok. Muli na namang natupad ni Don Juan ang hamon ng hari.
See also: Ibong Adarna Buod ng Bawat Kabanata 1-46 with Talasalitaan
Mga Mahahalagang Pangyayari
- Inutusan ng hari si Don Juan na itayo ang isang kastilyo sa gitna ng dagat na may mga gulod at batirya bilang pananggalang.
- Sa tulong ni Maria Blanca, pinalipat ang bundok at naging kastilyo ito sa kalagitnaan ng karagatan.
- Nagising si Haring Salermo sa ingay ng mga paputok at hindi siya pinapasok ng mga sundalo sa kastilyo.
- Dumating si Don Juan, at iniutos ng hari na ipatigil ang mga paputok.
- Muling inutusan ng hari si Don Juan na ibalik ang bundok at alisin ang kastilyo, na nagawa muli ni Maria Blanca gamit ang kanyang kapangyarihan.
Mga Tauhan sa Ibong Adarna Kabanata 34
- Don Juan – Ang pangunahing tauhan na inatasan ng hari na magtayo ng kastilyo at magsagawa ng iba pang mahihirap na hamon.
- Maria Blanca – Ang prinsesa na may kapangyarihang tumulong kay Don Juan upang matapos ang mga hamon ng hari.
- Haring Salermo – Ang hari na nagbigay ng mahihirap na pagsubok kay Don Juan upang sukatin ang kanyang talino at kakayahan.
See also: Ibong Adarna Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa
Tagpuan
Ang tagpuan ng kwento ay sa isang bundok na nasa gitna ng dagat, kung saan ipinatayo ang kastilyo, at sa palasyo real kung saan nagaganap ang mga utos ng hari.
Talasalitaan
- Ginagahis – Nilulupig.
- Kinaon – Sinundo.
- Madaluyong – Maalon o marahas na alon ng dagat.
- Malumanay – Maamo o banayad na pagsasalita o pagkilos.
- Maselan – Mabusisi o nangangailangan ng maingat na pagkilos.
- Muog – Isang kuta o matibay na estruktura pangdepensa.
- Paraya – Pagsasakripisyo o pagbibigay daan sa iba.
Mga Aral at Mensahe sa Ibong Adarna Kabanata 34
- Ang tunay na katapangan ay nasusukat hindi lamang sa lakas kundi sa talino at kakayahang humingi ng tulong kapag kinakailangan.
- Minsan, ang mga bagay na mahirap abutin ay nagiging madali sa tulong ng mga taong may malasakit at kapangyarihang tumulong.
- Ang kapangyarihan ng pag-ibig at tiwala sa isa’t isa ay maaaring magtagumpay sa mga pagsubok, gaano man ito kahirap o kasalimuot.
See also: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
At dito nagtatapos ang Ibong Adarna Kabanata 34 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa kabanatang ito ng korido.
Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.
Mga kaugnay na aralin
Ibong Adarna Kabanata 39 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 38 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 37 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 36 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 35 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 33 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 32 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 31 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
