Sa pahinang ito ay matututunan mo kung ano ang pang-abay na pang-agam. Mayroon din kaming ginawang mga halimbawa ng pang-abay na pang-agam upang maintindihan mo ng mabuti ang araling ito.
Ano ang Pang-abay na Pang-agam?
Ang pang-abay na pang-agam ay isang uri ng pang-abay na nagbabadya ng di-katiyakan o pag-aalinlangan sa tinutukoy nitong pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay ang marahil, siguro, tila, baka, wari, o parang.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pang-agam
Narito ang sampung halimbawa ng pang-abay na pang-agam sa pangungusap.
- Baka mamaya ay titigil na ang ulan.
- Tila mapaparami ang kain ko nito.
- Marahil malungkot na balita ang hatid niya.
- Baka bukas na mag-uumpisa ang karera ng mga kabayo.
- Siguro mahina kumain si Beth kaya payat.
- Baka bukas na ko pumunta kay lola.
- Siguro tataas ang grado mo kung titigilan mo na ang paglalaro ng video games.
- Baka sumama ako kay tiyo sa Maynila.
- Marahil nakita na ang nawawala niyang aso.
- Baka kulang siya sa tulog kaya puyat.
Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.
I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
Ano ang Pang-abay na Panlunan at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Kusatibo at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Pananggi at mga Halimbawa nito