Ang pangngalan ay mayroong uri, kailanan, kasarian, at gamit. Bukod dito, mayroon ding kayarian ng pangngalan.
Sa pahinang ito ay tatalakayin natin ang apat na kayarian ng pangngalan. Gumawa rin kami ng mga halimbawa sa bawat kayarian upang mas madali mong maunawaan ang araling ito.
Apat na Kayarian ng Pangngalan
Ang pangngalan o noun sa wikang Ingles ay mayroong apat na kayarian. Ito ay ang payak, maylapi, inuulit, at tambalan.
1. Payak
Ito ang mga pangngalang binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi rin inuulit, at wala itong katambal na ibang salita.
Mga Halimbawa
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pangngalang payak.
- aso
- bintana
- isda
- kotse
- plato
- lapis
- pinto
- talumpati
- watawat
- lola
2. Maylapi
Ito ang mga pangngalang binubuo ng salitang ugat (root word) at panlapi (affixes). Ang panlapi ay maaring nasa unahan (unlapi), nasa gitna (gitlapi), nasa hulihan (hulapi) o kabilaan.
Mga Halimbawa ng Unlapi
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng salitang maylapi na nasa unahan.
- maganda
- pagkain
- magsaya
- painom
- umasa
Mga Halimbawa ng Gitlapi
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng salitang may lapi na nasa gitna.
- tinakbo
- kumain
- sumimba
- bumasa
- sinagot
Mga Halimbawa ng Hulapi
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng salitang maylapi na nasa hulihan.
- sakahan
- sakayan
- punasin
- alisin
- balikan
Mga Halimbawa ng Kabilaang Panlapi
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng salitang maylapi na kabilaan.
- kagandahan
- pagsikapan
- kalinisan
- paaralan
- kabutihan
3. Inuulit
Ito ang mga salitang inuulit ang kabuuan o bahagi nito. Mayroong dalawang uri ng pag-uulit: ang pag-uulit na ganap at pag-uulit na parsyal.
A. Pag-uulit na Ganap
Inuulit ang buong salita.
Mga Halimbawa
- sabi-sabi
- tira-tira
- tipon-tipon
- gabi-gabi
- haka-haka
B. Pag-uulit na Parsyal
Maaaring isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Mga Halimbawa
- aalis
- uuwi
- bali-balita
- kasa-kasama
- bali-baligtad
4. Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salita na pinagsama para makabuo ng isang salita lamang.
Mga Halimbawa
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pangngalang tambalan.
- bahaghari
- kisapmata
- lakas-loob
- luwalhati
- takipsilim
Umaasa kami na naging kapaki-pakinabang sa iyo ang ating aralin sa araw na ito patungkol sa kayarian ng pangngalan.
Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account para makita din ito ng iyong mga kaibigan at matuto din sila na tulad mo. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
PANGNGALAN: Kasarian ng Pangngalan, Kailanan, Gamit, Uri, Atbp.
PANG-URI: Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.
PANDIWA: Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.
PANG-ABAY: Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
PANGHALIP: Uri ng Panghalip, Halimbawa ng Panghalip, Gamit, Atbp.
PANGATNIG: Ano ang Pangatnig, Halimbawa ng Pangatnig, Uri, Atbp.