Matutunan mo sa pahinang ito kung ano ang pang-abay na benepaktibo. Gumawa rin kami ng sampung halimbawa ng pang-abay na benepaktibo upang mas lalo mong maintindihan ang paksang ito.
Ano ang Pang-abay na Benepaktibo?
Ang pang-abay na benepaktibo ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos o layunin ng pandiwa.
Ito ay karaniwang ginagamitan ng pariralang para sa.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Benepaktibo
Narito ang aming ginawang sampung halimbawa ng pang-abay na benepaktibo sa pangungusap.
- Naghahanapbuhay si tatay para sa kinabukasan naming magkakapatid.
- Maraming bayani ang nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng ating bansa.
- Nagluto si Aling Pilar ng lugaw para sa anak niyang may sakit.
- Bibili ako ng lobo para sa bertdey ni Mico.
- Nag-iipon si langgam ng pagkain para sa tag-ulan ay mayroon siyang makain.
- Mamimili si nanay sa palengke para sa araw ng bukas ay may mailuto siya.
- Nagbigay ng tulong si mayor para sa proyekto ng paaralan.
- Hindi ako liliban sa trabaho para sa katapusan ay malaki ang sahurin ko.
- Nagtitinda si Nila ng puto para sa pagkain ng kanilang pamilya.
- Kakain ako ng prutas at gulay para sa aking kalusugan.

Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.
I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
Ano ang Pang-abay na Kusatibo at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Pananggi at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Panang-ayon at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Ingklitik at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Panlunan at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Panggaano at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Pamaraan at mga Halimbawa nito