PANGHALIP PANANONG: Kahulugan, Uri, at Mga Halimbawa

Ang artikulong ito ay isang kumpletong gabay tungkol sa panghalip pananong. Dito, ating tatalakayin ang kahulugan ng panghalip pananong, mga uri, at iba’t ibang mga halimbawa nito. Ibabahagi namin ang kaalaman sa pinakamadaling paraan, upang mabilis ninyong na maintindihan at matutunan ang araling ito.

Mga Nilalaman

Ano ang Panghalip Pananong

Ang panghalip pananong o interrogative pronoun sa wikang Ingles ay isang uri ng panghalip na ginagamit sa pagtatanong o pagsusuri ng impormasyon tungkol sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. Karaniwan, ito ay tumutukoy sa mga salitang tanong tulad ng sino, ano, alin, kanino, saan, at kailan.

  1. Sino – Tumutukoy sa isang tao.
    • Halimbawa:
      • Sino ang nagluto ng hapunan?
      • Sino ang umubos sa masarap na adobo?
      • Sino ang bida sa pelikulang pinanood mo?
      • Sino ang iyong pinakamatalik na kaibigan?
  2. Ano – Tumutukoy sa isang bagay o konsepto.
    • Halimbawa:
      • Ano ang paborito mong pelikula?
      • Ano ang ginagawa mo dito?
      • Anong oras na ba ngayon?
      • Ano ang pinakamagandang lugar na napuntahan mo?
      • Ano ang iyong paboritong kanta?
  3. Alin – Ginagamit upang pumili sa pagitan ng bagay o tao.
    • Halimbawa:
      • Alin ang mas gusto mo, kape o tsaa?
      • Alin sa mga damit ang gusto mong isuot sa party?
      • Alin ang mas gusto mong prutas, mansanas o orange?
      • Alin sa mga kotse ang gusto mong bilhin?
  4. Kanino – Tumutukoy sa pag-aari ng isang bagay.
    • Halimbawa:
      • Kanino ang susi na ito?
      • Kanino galing ang regalong ito?
      • Kanino mo ibibigay ang bulaklak?
      • Kanino ang perang natagpuan sa kalsada?
  5. Saan – Tumutukoy sa isang lugar.
    • Halimbawa:
      • Saan ka nakatira?
      • Saan mo gustong magbakasyon?
      • Saan ka nag-aaral?
      • Saan mo gustong magtrabaho pagkatapos mong magtapos ng pag-aaral?
      • Saan ka pupunta bukas?
  6. Kailan – Tumutukoy sa oras o petsa.
    • Halimbawa:
      • Kailan ang iyong kaarawan?
      • Kailan nagsimula ang palabas na ito?
      • Kailan ang iyong graduation?
      • Kailan mo balak mag-asawa?
Ano ang Panghalip Pananong

Uri ng Panghalip Pananong

Mayroong dalawang uri ng panghalip pananong, ang isahan at maramihan:

Panghalip Pananong na Isahan

Ito ay ang mga panghalip na ginagamit upang itanong ang impormasyon tungkol sa isang tao o bagay lamang. Ang mga halimbawa ng salitang pananong sa isahan ay ang anosinoalinilanmagkano, at kanino.

Mga Halimbawa ng Panghalip Pananong na Isahan

  • Sino ang nagturo sa iyo ng pagluluto?
  • Ano ang pangalan ng iyong aso?
  • Saan ka nakatira?
  • Kailan ang iyong kaarawan?
  • Kanino mo ibinigay ang libro?
  • Alin ang gusto mong kulay sa dalawa?
  • Magkano ang repolyo?
  • Anong oras ang iyong klase?
  • Saan mo itinapon ang basura?
  • Kailan ang iyong alis papuntang ibang bansa?
  • Anong klaseng cellphone ang gusto mong bilhin?
  • Kanino galing ang mensaheng ito?
  • Saan mo nakuha ang balita?
  • Anong pangalan ng iyong guro sa Filipino?
  • Kailan mo tatapusin ang iyong proyekto?
  • Ano ang kahulugan ng salitang “pagmamahal”?
  • Saan nanggaling ang amoy ng bulaklak?
  • Sino ang kasama mo sa paglalakbay?
  • Anong uri ng halaman ito?
  • Kailan ang huling pagkikita ninyo?
  • Alin sa mga sapatos ang gusto mong suotin?

Panghalip Pananong na Maramihan

Ito naman ay ang mga panghalip na ginagamit upang itanong ang impormasyon tungkol sa dalawa o higit pang mga tao o bagay. Ang mga halimbawa nito sa maramihan ay ang anu-anosinu-sinoalin-alinilan-ilansaan-saan, magka-magkano, at kani-kanino.

Mga Halimbawa ng Panghalip Pananong na Maramihan

  • Sinu-sino ang mga kasama mo sa paglalakbay?
  • Anu-ano ang mga paborito mong pagkain?
  • Saan-saan mo ibig magpunta sa iyong bakasyon?
  • Kani-kanino mo ibinahagi ang iyong kwento?
  • Magka-magkano kaya ang tumpok ng gulay?
  • Alin-alin sa mga libro ang gusto mong basahin?
  • Saan-saan mo itinapon ang mga basura?
  • Kanino-kanino galing ang mga mensaheng natanggap mo?
  • Sinu-sino ang natanggap sa trabaho?
  • Kani-kanino mo ibinigay ang mansanas?
  • Sinu-sino ang iyong mga guro sa paaralan?
  • Anu-ano ang mga laruan mo?
  • Alin-alin dito ang maaari ng ipamigay?
  • Sinu-sino ang mga kasama mo sa bahay?
  • Magka-magkano kaya ang laruan sa kanto?
  • Alin-alin sa mga sapatos ang gusto mong suotin sa linggo?
  • Ilan-ilan ang damit na mayroon ka?
Uri ng Panghalip Pananong

Sa pag-aaral ng mga panghalip pananong, ating nalaman ang iba’t ibang uri nito at ang kanilang mga halimbawa. Ito ay mahalaga sa ating komunikasyon at pag-unawa sa iba’t ibang impormasyon.

Sana ay nakatulong ang mga impormasyong ibinahagi namin sa artikulong ito upang maging mas mahusay sa paggamit ng wikang Filipino. Huwag kalimutang ibahagi ang artikulong ito sa inyong mga kaibigan, pamilya, at mga kakilala upang mas marami pang tao ang makinabang sa kaalamang ito. Sama-sama nating palawakin ang ating kaalaman tungkol sa araling ito. Maraming salamat sa iyong pagbabasa!

Share this: