Bukod uri ng pangngalan, kailanan, kayarian, gamit, at kasarian, ang pangngalan ay mayroon ding kaukulan. Sa pahinang ito, tatalakayin natin ang tungkol sa tatlong kaukulan ng pangngalan. Bilang karagdagan, gumawa din kami ng mga halimbawa sa bawat kaukulan ng pangngalan upang mas mabilis mong maunawaan ang araling ito.
Tatlong Kaukulan ng Pangngalan
Ang pangngalan o noun ay mayroong tatlong kaukulan. Ito ay ang palagyo, paayon, at paari.
1. Palagyo
Palagyo ang tawag kung ang pangngalan ay ginagamit bilang:
A. Simuno
Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap.
Halimbawa:
- Si Tricia ay mabait.
- Ang puno ay mababa.
- Naglaro ng piko si Karen.
- Si Arman ay matangkad.
- Ang bata ay maputi.
B. Pantawag
Ito ang pangngalang tinatawag o sinasambit sa pangungusap.
Halimbawa:
- Bert, bumili ka ng ulam natin.
- Albert, ikaw ang pag-asa namin.
- Jobert, saan ka pupunta?
- Herbert, kumain ka na.
- Gilbert, lumapit ka nga dito!
C. Kaganapang Pansimuno
Ito naman ang tawag kung ang simuno at isa pang pangngalan sa panaguri ay iisa.
Halimbawa:
- Si Bb. Tolentino ay guro namin sa Filipino 3.
- Ang manggagawang si Joros ay masipag.
- Si Regine na mang-aawit ay pupuntang America.
- Ang batang si Lani ay maganda.
- Si Aling Tasing ay negosyanteng mayaman.
D. Pangngalang Pamuno
Ito ang pangngalang tumutukoy sa simuno at nagbibigay ng paliwanag tungkol sa paksa.
Halimbawa:
- Si Manny Pacquiao na boksingero ay matulungin.
- Ang aking kapatid na si Rudy ay nasa Dubai.
- Si Pia, ang kaibigan ko, ay maaasahan.
- Ang doktor na si Raul ay pupunta sa bayan.
- Si Patrick na siklista ang nanguna sa paligsahan.
2. Palayon
Palayon ang tawag kung ang pangngalan ay ginagamit bilang:
A. Layon ng Pandiwa
Ito ang pangngalang taga-tanggap ng kilos.
Halimbawa:
- Ang bata ay binigyan ng regalo.
- Si Ryza ay kumain ng mais.
- Ang nanay ay nagluto ng lugaw.
- Si Maria ay pinagpala sa lahat ng babae.
- Ang pulubi ay nanghingi ng limos.
B. Layon ng Pang-ukol
Ito ang pangngalang pinaglalaanan ng kilos at kasunod ng pang-ukol.
Halimbawa:
- Ang tinapay ay kinain ni Tina.
- Nagdala ng pasalubong si tatay para kay Ara.
- Ang pusa ang kumuha ng ulam.
- Mayroon akong nalaman sa Biblia.
- Hinusayan niyang sumayaw para kay nanay.
3. Paari
Paari naman ang tawag kung may dalawang pangngalang magkasunod at ang pangalawang pangngalan ay nagsasaad ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
- Ang bola ni Bitoy ay nasira.
- Nabali ang lagari ni James.
- Ang ulam ni nanay ay sinigang.
- Walang katulad ang pag-ibig ng Diyos.
- Ang kaibigan ni Leslie ay mahusay umawit.
At dito nagtatapos ang ating aralin tungkol sa tatlong kaukulan ng pangngalan. Kung natuto ka at nakatulong sa’yo ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaibigan upang sila ay matuto rin na tulad mo.
I-click lamang ang mga social media buttons na makikita sa screen para ibahagi ang post na ito. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
PANG-URI: Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.
PANDIWA: Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.
PANG-ABAY: Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
PANGHALIP: Uri ng Panghalip, Halimbawa ng Panghalip, Gamit, Atbp.
PANGATNIG: Ano ang Pangatnig, Halimbawa ng Pangatnig, Uri, Atbp.