Pang-abay na Pamanahon: Ano ang Pang-abay na Pamanahon at mga Halimbawa nito

Tatalakayin natin sa pahinang ito kung ano ang pang-abay na pamanahon, mga uri ng pang-abay na pamanahon, at mga halimbawa nito. Gumawa rin kami ng pang-abay na pamanahon worksheet upang mahasa ang iyong kaalaman sa araling ito.

Ano ang Pang-abay na Pamanahon?

Ang pang-abay na pamanahon ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na kailan. Sa wikang Ingles ito ay tinatawag na adverb of time.

Ano ang Pang-abay na Pamanahon?

3 Uri ng Pang-abay na Pamanahon

May tatlong uri ang pang-abay na pamanahon: ang may pananda, ang walang pananda, at ang nagsasaad ng dalas.

A. Pamanahong may Pananda

Ito ay ginagamitan ng mga panandang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, o hanggang.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na may Pananda

  1. Tuwing Linggo ay nangsisimba kami.
  2. Sa isang araw ay mag-eehersisyo na ako.
  3. Ang bagong taon ay ipinagdiriwang tuwing Enero.
  4. Sa ika-25 ng Disyembre ay magbabakasyon ang pamilya ni Gina sa Palawan.
  5. Pumupunta kami sa parke tuwing Sabado.

B. Pamanahong Walang Pananda

Ito ay ginagamitan ng mga panandang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at marami pang iba.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na walang Pananda

  1. Gigising ako ng maaga bukas.
  2. Kanina ay kumain kami ng sorbetes.
  3. Pupunta si Mary sa palengke mamaya.
  4. Ngayon mo na sunduin si Marga.
  5. Ang damit na suot ni Karen ay binili niya kahapon.

C. Pamanahong Nagsasaad ng Dalas

Ito ay ginagamitan ng mga salitang nagsasaad ng dalas. Halimbawa nito ay ang mga salitang araw-araw, gabi-gabi, taun-taon, oras-oras, linggu-linggo, paminsan-minsan, kani-kanina, maya-maya, parati, madalas, at marami pang iba.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na Nagsasaad ng Dalas

  1. Kumakain ako ng gulay araw-araw.
  2. Gabi-gabi ay binabasa ni Lorna ang paborito niyang aklat.
  3. Madalas kaming magpunta sa mall.
  4. Sina lolo at lola ay paminsan-minsan lang namin nadadalaw.
  5. Taun-taon ay naliligo kami sa dagat.
3 Uri ng Pang-abay na Pamanahon

Pang-abay na Pamanahon Worksheet

Narito ang free worksheet para sanayin ang iyong natutunan sa paksang ating pinag-aralan. Click this link to download the free worksheet.

Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.

I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!

Mga kaugnay na aralin

Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.

Ano ang Pang-abay na Kusatibo at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Pananggi at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Panang-ayon at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Ingklitik at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Panlunan at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Panggaano at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Pamaraan at mga Halimbawa nito

Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.

Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.

Share this: